Senador

Mga senador humiling ng agarang ayuda para sa mga nilindol

119 Views

NANAWAGAN ang mga senador ng agarang relief, recovery at tamang impormasyon matapos ang magnitude-7.8 na lindol na tumama sa ilang bahagi ng Mindanao.

Sinabi ng new Majority sa Senado na handa sila magbigay ng isang buwang sweldo upang makatulong sa mga pamilya at komunidad na humaharap ngayon sa rescue, relief, rebuilding at recovery matapos ang malakas na lindol.

“As a personal contribution to the relief effort, members of the Senate New Majority are prepared to donate one month of our salary to help support affected communities.

While this is a small contribution, we hope our colleagues in the minority will join us in this effort. After all, we are senators of all Filipino people. This is a moment when the Senate, whatever its internal divisions, can still speak through one act of shared compassion,” dagdag ng new Majority.

Dumating ang panawagan matapos iulat ng Office of Civil Defense na hindi bababa sa 37 katao ang nasawi, 456 ang nasugatan at apat ang nawawala dahil sa lindol.

Apektado ng lindol ang 17,689 pamilya o 77,186 katao, habang 5,343 pamilya o 19,365 katao ang nananatili sa evacuation centers.

“What we hope to give is not only financial assistance, but a clear message that Mindanao is not facing this burden alone. Naniniwala kami na ang unang hakbang ng sinserong pakikiramay ay ang ipaabot sa mga taga-Mindanao ang mensaheng handa ang pamahalaang tumulong sa oras ng pangangailangan,” dagdag ng mga senador.

Ayon sa grupo, dapat mapunta ang tulong sa agarang pangangailangan gaya ng pagkain, malinis na tubig, gamot, pansamantalang tirahan at iba pang suportang tinukoy ng mga lokal na komunidad at responders.

Nanawagan si acting Senate President and Senate President Pro Tempore Sherwin Gatchalian ng mabilis na response mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, Department of Social Welfare and Development, local government units at iba pang concerned agencies.

Dapat pabilisin ang search, rescue at relief operations, lalo na sa gitna ng mga ulat ng nasirang istruktura, naputol na utility services at tsunami warning sa ilang bahagi ng Mindanao, ayon kay Gatchalian.

Dahil tumama ang lindol sa opening day of classes, hinikayat din ni Gatchalian ang Department of Education na unahin ang kaligtasan ng mga guro at estudyante sa pamamagitan ng structural checks sa mga school building at psychosocial support para sa mga apektadong learner at teacher.

Sinabi ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan na nakikipag-ugnayan ang kanyang tanggapan sa disaster response agencies upang makatulong sa evacuation, relief at emergency operations.

“Itinutulak din nating mabigyan ng intervention ang mga batang mag-aaral na na-trauma sa kanilang first day of school,” sabi ni Pangilinan.

Nanawagan naman si Sen. Christopher “Bong” Go ng agarang livelihood assistance para sa mga manggagawa at pamilyang naapektuhan ang kabuhayan dahil sa lindol.

“Umaapela ako sa mga ahensya ng national government na maglatag ng mabilis na interventions para sa mga nawalan ng kabuhayan, lalo na ang mga ordinaryong manggagawa sa mga establisyemento na pansamantalang nagsara dahil sa pinsala,” sabi ni Go.

Hinikayat ni Sen. Robinhood Padilla ang mga local government unit at residente na palakasin ang information sharing at iwasang magpakalat ng hindi beripikadong ulat habang nagpapatuloy ang rescue at relief operations.

“Sa ganitong mga pagkakataon, bawat minuto ay mahalaga. Ang mabilis na pagkalat ng tamang impormasyon ay makapagliligtas ng buhay,” sabi ni Padilla.

Hiniling ni Padilla sa publiko na umasa lamang sa advisories mula sa Phivolcs, NDRRMC, local governments at iba pang authorized agencies.

Sinabi ni Sen. Erwin Tulfo na maaaring pumunta sa mga apektadong lugar sa Mindanao ang mga miyembro ng majority bloc upang personal na alamin ang pangangailangan ng mga biktima ng lindol.

“Nakausap ko po ang ating Acting Senate President na anytime po ay pupunta po ang mga miyembro ng majority bloc para marinig at makita po ang pangangailangan ng mga biktima ng lindol,” sabi ni Tulfo.

“We ask the entire nation to keep Mindanao in their prayers and, where able, to give in any way they can, because in moments of calamity, every act of kindness becomes part of the country’s healing,” pahayag ng grupo.