Hot News

WEBSITE NG SENADO NA-HACK!

82 Views

Hindi ma-access nitong Huwebes ang website ng Senado at lumabas dito ang maintenance notice matapos magpakita ang isang Facebook page na gumagamit ng pangalang Nullsec Philippines ng umano’y claim kaugnay ng unauthorized post sa site. Sa screenshot ng senate.gov.ph, nakalagay ang mensaheng, “The website is under maintenance. Please check back later.”

Sa mensahe sa mga reporter, sinabi ng Senate PRIB na “waiting lang for news from EDP,” na tumutukoy sa electronic data processing office ng Senado, ngunit wala pang agarang opisyal na kumpirmasyon kung ang outage ay dulot ng cyberattack, data breach o precautionary maintenance.