Poa

Blended learning palalakasin ng DepEd

241 Views

TARGET ng Department of Education (DepEd) na palakasin ang blended learning setup sa basic education na makatutulong sa lumalaking populasyon ng mga mag-aaral at epekto ng kalamidad.

Sinabi ni DepEd spokesperson Michael Poa na makatutulong ang blended learning upang tugunan ang kakulangan sa classroom.

Sa ilalim ng blended learning ay hindi araw-araw papasok sa paaralan ang mga estudyante at gagawin ang pagtuturo sa pamamagitan ng online o modular mode.

Inamin ni Poe na hindi madaling solusyunan ang kakulangan ng mga silid-aralan dahil bukod sa backlog ay patuloy na lumalaki ang bilang ng mga estudyante.

Samantala, sinabi ni Poa na patuloy ang ginagawang pagrepaso sa kurikulum ng basic education kasabay ng paghahanda sa inaasahang pagbabalik ng full face-to-face classes sa mga paaralan sa Nobyembre.

Nais umano ng pamunuan ng DepEd na maituon ang pagtuturo sa foundational literacy at functional literacy.

Inaasahan na matatapos umano ang pagrepaso sa kurikulum sa Hunyo 2023.

Layunin ng DepEd na gawing employable ang mga magtatapos ng Grade 12 at matugunan ang job mismatch sa bansa.