red tide

Red tide alert nakataas sa 5 probinsya

145 Views

ITINAAS ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang red tide alert sa limang probinsya.

Ayon sa BFAR nananatiling positibo sa paralytic shellfish poison (PSP) o toxic red tide ang coastal waters ng Roxas City, Panay, at Pilar sa Capiz; coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Matarinao Bay sa Eastern Samar; Dumangquillas Bay sa Zamboanga del Sur; at Lianga Bay sa Surigao del Sur.

Nagpositibo na rin umano sa red tide poison ang Sapian Bay at coastal waters ng President Roxas sa Capiz.

Nagbabala ang BFAR sa publiko na mapanganib ang pagkain ng shellfish mula sa mga lugar na mayroong red tide.