Gatchalian Senate President Sherwin Gatchalian

Gatchalian nais paikliin ang proseso ng paglipat ng power supplier

30 Views

HINIMOK ni Senate President Sherwin Gatchalian ang Energy Regulatory Commission na paikliin ang proseso ng paglipat ng mga konsyumer sa ibang supplier ng kuryente.

Ayon kay Gatchalian, mas maraming konsyumer ang makikinabang sa reporma kung magiging mas mabilis at mas madali ang paglipat ng supplier.

“Opening the market is a big step, but we need to make switching faster and easier. Right now, it can take weeks.

Kapag pinabilis ang proseso, mas maraming konsyumer ang magkakaroon ng pagkakataong pumili ng ibang supplier ng kuryente bukod sa kanilang distribution utility, gaya ng Meralco.

Kaya mas madali nilang maa-access ang presyong mas competitive at mas malinis na mapagkukunan ng enerhiya,” sabi ni Gatchalian.

Sa ilalim ng mas mababang threshold, maaaring pumili ng ibang supplier ang mga kwalipikadong konsyumer gaya ng maliliit na negosyo, paaralan at bahay na umaabot sa itinakdang antas ng konsumo sa kuryente.

Napapanahon ang reporma habang itinutulak ng bansa ang paglipat sa renewable energy, ayon kay Gatchalian.

Ayon sa kanya, ang mas mabilis at mas madaling switching process ay makatutulong upang lumakas ang demand para sa mas malinis at mas murang kuryente.

“This reform comes at a critical time as we accelerate our transition to renewable energy. Making switching seamless will help drive demand for cleaner and more affordable power,” ani Gatchalian.