Martin

Pilipinas nailagay ni PBBM sa landas ng pag-unlad—Speaker Romualdez

249 Views

PINURI ni Speaker Martin G. Romualdez si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa landas ng pag-unlad sa unang 100 araw nito sa puwesto.

Ayon kay Romualdez mayroong matatanaw na magandang kinabukasan ang bansa batay sa mga hakbang na ginawa ng Pangulo sa unang bahagi ng kanyang pamumuno.

“The Philippines is right on track, and is sprinting steadily during the first 100 days of the administration of President Ferdinand Marcos, Jr. Our economy has bounced back from the ravages brought by the global pandemic and has already reached the first stage to full recovery,” sabi ni Romualdez.

Kinilala rin ni Romualdez ang pagpili ni Marcos sa mga mahuhusay na indibidwal upang bumuo sa kanyang economic team.

“The future indeed looks brighter under the Marcos administration. Businesses now ramping up activity, new jobs are created and lost jobs are restored, and economic activities have turned dynamic once again,” dagdag pa ni Romualdez.

Inamin naman ng lider ng Kamara na mayroong mabigat na hamong kakaharapin ang bansa dulot ng post-pandemic shock at tensyon sa ibang bansa.

“We need business to keep going. We need to provide more jobs to those able to work, and we need to keep prices of basic commodities down to pre-pandemic level,” sabi ng solon.

Sa pagharap ng mga hamong ito, iginiit ni Romualdez ang kahalagahan ng positibong pagtugon sa panawagan ng Pangulo na magsama-sama.

“We can only hope to build a stronger nation resilient enough to withstand the shocks of external crisis if we remain united and work together for the common good,” sabi pa ni Romualdez.