Calendar
8 oras na LTO education test suspendihin muna — kongresista
IGINIIT nang isang kongresista sa Land Transportation Office (LTO) na suspendihin muna nito ang walong oras na “education test” bilang requirement para sa sinomang indibiduwal na nagpapa-renew ng kaniyang driver’s license. Hangga’t hindi pa natatapos ang pamumuksa ng COVID-19 Pandemic sa bansa.
Binigyang diin ni House Deputy Speaker at Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na delikado o peligroso para sa mga aplikante ang pinapataw na walong oras na “education test” sa kasagsagan ng pagkalat ng COVID-19 partikular na ang variant nito na “Omicron”.
Ipinaliwanag ni Rodriguez na kung sususpendihin ng LTO ang nasabing reuirement. Lalo lamang nitong inilalagay sa peligro ang kalusugan ng libo-libong aplikante na magpapa-renew ng kanilang mga lisenisya ngayong taon dahil sa banta ng “Omicron virus”.
“The convergence of people at this time in LTO offices, many of which are just cramped spaces in malls, could be a virus super spreader. I’m sure LTO officials and Transportation Sec. Arthur Tugade are aware of this,” ani Rodriguez.
Sinabi pa ng mambabatas na ang pagsisimula pa lamang ng panahon ng kampanya para sa nalalapit na Halalang Pambansa ay maituturing na bilang isang nakaka-alarmang pangyayari. Dahil sa pagtitipon ng mraming supporters ng iba’t-ibang kandidato.
“This campaign period is already a cause for concern for all of us, and for health officials in particular. Let us not exacerbate the situation by having people converge in LTO offices,” dagdag pa niya.
Sinabi ni Rodriguez na imungkahi ang isang mas ligtas na paraan o option upang maiwasan ang pagdagsa ng libo-libong aplikante sa LTO offices. Ito ay sa pamamagitan ng mga LTO-accredited driving schools kung saan puwedeng magpa-renew ng lisensiya.
Gayunman, napaka-imposible at hindi kakayanin ng mga pampublikong tsuper ang kailangang bayaran para makapag-renew sila ng lisensiya sa mga LTO-accredited driving schools dahil ito ay nagkakahalaga umano ng P3,000 hanggang P5,000.
“How can we expect public utility vehicle drivers (PUV) to pay that sum when they are even asking for financial assistance from the national and local government units,” sabi pa ni Rodriguez.