Bam

Aquino hiniling ang real-time public access sa ebidensya sa VP Sara trial

49 Views

HINILING ni Senador Paolo Benigno “Bam” Aquino IV sa impeachment court na tiyaking magiging available sa publiko nang real time ang ebidensyang ihaharap sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Tinanggap ni Aquino ang desisyon ng impeachment court na gawing accessible sa publiko ang trial evidence ngunit tinanong kung gaano kabilis maia-upload ng clerk of court ang mga dokumento.

Sinabi niya na mawawalan ng saysay ang pagbubukas ng ebidensya sa publiko kung matatagalan ang paglalabas nito.

“[If] this is made available to the public six months from now or one year from now, that defeats the purpose of having this made public,” ani Aquino.

Sinabi ni impeachment court presiding officer Senador Francis “Chiz” Escudero na nagsimula na ang pag-upload ng documentary evidence sa kabila ng dami ng records.

Ayon kay Escudero, gagawing available ng impeachment court sa lalong madaling panahon ang ebidensyang ihaharap sa trial.

Tiniyak din niya kay Aquino na sisikapin ng clerk of court na mai-upload nang real time ang lahat ng presented evidence, maliban sa journal, na kailangan munang aprubahan ng body bago ilathala.

Naganap ang palitan habang sinisimulan ng Senado ang proceedings sa impeachment trial ni Duterte, kung saan titimbangin ng senator-judges ang ebidensyang ihaharap ng House prosecution panel at ng depensa.

Dahil sa panawagan ni Aquino, napabilang ang public access sa trial records sa mga unang transparency issue na itinaas sa pagbubukas ng impeachment proceedings.