DOH

Kaso ng cholera tumaas—DOH

169 Views

DUMAMI umano ang mga kaso ng cholera sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa datos ng ahensya, nakapagtala ng 3,729 cholera case sa bansa mula Enero 2022, ito ay 282 porsyento na mas mataas kumpara sa naitala sa kaparehong panahon.

Marami umano sa mga kasong naitala ay sa Eastern Visayas, Davao Region, at Caraga.

Sa nabanggit na bilang 23 indibidwal ang nasawi.

Karamihan umano ng nagkaroon ng cholera ay edad 5 at 9 at dulot ito ng hindi malinis na inumin.