DOH

15,314 nagpositibo sa COVID-19 noong nakaraang linggo—DOH

105 Views

BAHAGYANG tumaas ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 noong nakaraang linggo, ayon sa Department of Health (DOH).

Ayon sa DOH, nadagdagan ng 15,314 ang mga nagpositibo sa COVID-19 mula Oktobre 10 hanggang 16. Ito ay mas mataas ng 7 porsyento kumpara sa 14,333 kaso na naitala mula Oktobre 3 hanggang 9.

Umabot naman sa 251 ang bilang ng mga nasawi sanhi ng COVID-19 pero marami sa mga ito ay nangyari sa mga nagdaang buwan at hindi lamang kaagad naireport. Sa naturang bilang 33 ang nasawi ngayong Oktobre.

Samantala, 73.397 milyong Pilipino na ang fully vaccinated laban sa COVID-19 at 85,021 sa mga ito ang nabakunahan mula Oktobre 10-16.

Ang bilang naman ng mga nakapagpa-booster shot na ay 20.318 milyon kung saan 184,863 ang nakapagpa-booster mula Oktobre 10-16.