BSKE

Batas na magpapaliban ng Barangay, SK polls pirmado na

161 Views

PINIRMAHAN na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang batas na magpapaliban ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ang Republic Act 11935 ay nagtatakda ng BSKE sa huling Lunes ng Oktobre 2023 sa halip na isagawa sa Disyembre 2022.

Sa ilalim ng panukala, ang mga kasalukuyang opisyal ng Barangay at SK ay mananatili sa puwesto hanggang sa umupo sa puwesto ang mga mananalo sa darating na halalan.

Nilagdaan ng Pangulo ang batas dalawang linggo matapos itong ratipikahin ng Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso.