Barbers

Parusa sa mga balimbing isinulong

332 Views

HINDI na uubra ang masamang kalakaran at lumang tradisyon ng mga politiko na mahilig magpalipat-lipat ng partido na binansagang mga “balimbing”. Sapagkat inihain ngayon ng isang Mindanao congressman ang isang panukalang batas na naglalayong mahigpit na ipagbawal ang papalit-palit ng partido politikal.

Isinulong ni Surigao del Norte 2nd Dist. Cong. Robert Ace S. Barbers ang House Bill No. 1536 para patawan ng mabigat na parusa ang mga tradisyunal na politiko (TRAPO) na naging bisyo na ang magpalipat-lipat ng partido. Partikular kung ang partidong lilipatan nila ang namamayagpag o ang tinatawag na “administration party”.

Binigyang diin ni Barbers na hindi nakasaad sa 1987 Philippine Constitution ang pagbabawal sa sinomang politiko na lumipat ng partido lalo na kung katatapos pa lamang ng isang eleksiyon. Kaya naging malaya ang mga politiko na magtalunan sa kabilang partido politikal para sa kanilang pansariling interes.

Iginiit din ni Barbers na ang pagpapalit ng partido o “balimbingan” ay naging kalakaran na sa Philippine politics partikular na sa panahon ng halalan. Kung saan, ang ganitong sistema aniya ay indikasyon lamang na walang “political ideology” ang isang politiko kaya madali para sa kaniya ang ‘bumalimbing” o lumipat ng partido.

“They change political party to continue access to valuable resources of the President. They will drop every ounce of principles in exchange for power. This clearly manifests the personality-based politics in the country,” ayon sa kongresista.

Sinabi pa ng Mindanao solon na kadalasang nangyayari ang pagpapalit ng partido o sistema ng “balimbingan” sa panahon na katatapos pa lamang ng isang Presidential election. Dahil sa pagnanais ng isang oportunistang politiko na maipagpatuloy ang kaniyang pansariling interes.

Dahil sa ganitong sistema, sinabi pa ni Barbers na pinahihina lamang nito ang tinatawag na Philippine party system dahil sa kawalan ng “loyalty” o katapatan ng isang miyembro na lumilipat sa kabilang partido sa oras na makakita ito ng magandang pagkakataon o oportunidad.

Sa ilalim ng panukalang batas ni Barbers, agad na mapo-forfeit ang napagwagiang puwesto ng isang politiko at hindi na rin siya papayagang kumandidato sa susunod na eleksiyon. Papatawan din siya ng disqualification sa anumang “appointive positions sa pribado man o sa gobyerno sakaling mapatunayang lumipat ito ng partido