Calendar
Ang dalawang suspek na natimbog ng mga operatiba ni Police Lt. Col. Norman Patnaan, hepe ng Malate Police Station 9 sa isinagawang follow-up operation sa Malate, Manila. JONJON C. REYES
2 binata tinangay e-trike na nakaparada sa Malate
DALAWANG lalaki ang inaresto sa pagtangay umano ng e-bike ng mga operatiba ng MPD Malate Police Station 9 sa kahabaan ng Adriatico Street corner Leveriza Street, Bgy 720, Malate, Manila, noong Linggo.
Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 10883 (Bagong Anti-Carnapping Act of 2016) ang mga suspek na sina alyas Biboy, 31, binata,residente ng Matiaga Street, Barangay 109, Tondo, Manila, at alyas Dony, 36 , binata,naninirahan sa Lacson Street, Tondo.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, ipinarada ng biktima na nakilalalng si alyas Michael,32, may live-in partner, driver, nakatira sa Leveriza Street, Barangay 717, Malate ang kanyang e-bike sa nabanggit na lugar.
Nang lumabas muli si Michael ay nadiskubre niyang nawawala na ang kanyang sasakyan kung kaya’t nagtungo siya sa Malate Police Station upang iulat ang insidente.
Agad kumilos ang mga tauhan mula sa Intelligence Section upang magsagawa ng follow-up operation at suriin ang mga CCTV footage.
Dito natuklasan ang pagtangay ng dalawang suspek sa e-trike bandang 3:30 ng madaling araw ng Setyembre 6, 2026. bandang 3:30 ng madaling-araw.
Ang dalawang suspek ay nakasakay umano sa isang puting BAJAJ ‘tuktuk’.
Habang nagsasagawa ng pag-trace sa rutang dinaanan ng mga suspek sa Capulong Street, Tondo, namataan nina PMSg. Ilbert P Lomboy PSSg Aaron Jay J. Torres,
PSSg. Marlon A. Nobleza, Pat. Mark Angelo A. Dolatre, at Pat. Michael D. Ravalo ang nasabing ‘tuktuk.’
Nagkaroon ng maikling habulan na humantong sa pag-aresto sa mga suspek. Nabawi rin at dinala sa kustodiya ang ‘tuktuk.’
Kasalukuyang nagsasagawa ng karagdagang operasyon ang pulisya upang matunton at mabawi ang ninakaw na e-bike. Inihahanda na ang reklamo para sa paglabag sa Republic Act No. 10883 (New Anti-Carnapping Act of 2016) laban sa mga naarestong suspek. Ito ay ihahain para sa inquest proceedings sa City Prosecutor’s Office ng Maynila.

