Calendar
First Lady Liza Araneta Marcos pinasinayaan pag-revive ng Love Bus
PINANGUNAHAN ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang pagpapasinaya sa revived Metro Manila “Love Bus”.
Isa itong libreng zero-emission electric bus service na naglalayong gawing mas maginhawa at makakalikasan ang pagbiyahe sa ilang lugar sa Metro Manila. Dumalo si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa okasyon.
Kasabay nito ang pagbubukas ng MMDA Interactive Gallery, na tampok ang kasaysayan at mahahalagang programa ng ahensya, at ang MMDA Annex Building na magbibigay ng karagdagang pasilidad para sa mas maayos na paghahatid ng serbisyo publiko.
Nakibahagi rin sina Pasig City Mayor Vico Sotto, Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos, Malabon City Mayor Jeannie Sandoval, Caloocan City Mayor Along Malapitan, Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, Las Piñas City Mayor April Aguilar, at iba pang Metro Manila leaders at stakeholders.
Patuloy ang pagkakaisa ng mga lokal na pamahalaan at katuwang ng MMDA tungo sa mas ligtas, sustainable, at livable na Metro Manila para sa lahat.

