BGC

BGC rally nauwi sa gulo; 16 pulis nasaktan; 4 ralyista nasakote

Edd Reyes Sep 10, 2026
24 Views

BGC1BGC2SUMIKLAB ang gulo sa pagitan ng mga pulis at raliyista ng mag-protesta sa harap ng hotel ang mga progresibong grupo noong Huwebes sa Taguig City.

Pinigilan na mga tauhan ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Rodel Pastor ang mga raliyista makalapit sa Grand Hyatt Manila sa Bonifacio Global City (BGC), kung saan ginaganap ang Luzon Economic Corridor Investment Forum na dinaluhan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na may kaugnayan sa Pax Silica program.

Nagsimula ang gulo ng magpumilit makalapit ang mga raliyista sa hotel at humantong sa sakitan kaya nagtamo ng sugat ng 16 na pulis at pagkaka-aresto sa apat na rallyista, kabilang ang sumapak sa isang pulis.

Inakusahan ng grupong Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) ang mga pulis na nagsimula ng karahasan kaya’t mas maraming nasaktan sa kanila na umabot sa 23, kabilang ang mga estudyante, guro at mga grupong nangangalaga sa kalikasan.

Pinabulaanan ito ni SPD Deputy Director for Operation P/Col. Robert Baesa at ipiniit na pinairal nila ang maximum tolerance.

Tinututulan ng mga progresibong grupo ang pagtatayo ng Pax Silica dahil mapapalayas umano sa kanilang lupain ang mga katutubo at magsasaka at makakapinsala sa kalikasan.