Calendar
Hindi bakunado na darating sa PH wala ng quarantine
HINDI na kailangang sumailalim sa quarantine ang mga indibidwal na darating sa bansa kahit ang mga ito ay hindi bakunado laban sa COVID-19.
Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases Resolution No. 2 na bahagi ng pagpapaluwag ng health restriction sa bansa.
Kailangan namang magpakita ng negatibong resulta ng rapid antigen test ang mga walang bakuna o partially vaccinated pa lamang laban sa COVID-19.
Ang mga dumating sa bansa na walang negatibong antigen test result ay kailangang magpa-antigen test pagdating sa airport.
Kung magpopositibo ay kailangang sumailalim sa quarantine o isolation protocols ng Department of Health.
Ang mga fully vaccinated ay kailangan namang magpakita ng vaccination card at iba pang patunay na sila ay fully vaccinated na laban sa COVID-19.