DOH

Nahawa ng COVID sa bansa umabot na ng 4M

156 Views

UMABOT na ang 4 milyon ang bilang ng mga nahawa ng COVID-19 sa bansa.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH) nadagdagan ng 1,551 ang bilang ng mga nahawa kaya umakyat na sa 4,000,783 ang kabuuang bilang ng mga ito.

Sa bilang na ito 21,865 ang aktibong kaso. Pinakamarami ang nasa National Capital Region (5,944) na sinundan ng Calabarzon (3,478), Central Luzon (2,037), Western Visayas (1,689), at Davao Region (1,226).

Mayroon namang 63,959 na gumaling at ang nalalabi ay gumaling na.