Liza

Titulong Chief Girl Scout iginawad kay First Lady Liza

221 Views

IGINAWAD kay First Lady Atty. Marie Louise Araneta Marcos ang titulong Chief Girl Scout.

Sa isang seremonya sa Malacañang, nangako ang First Lady na tutulong sa paghubog ng kaisipan, damdamin at social qualities ng mga batang babae.

“As you know, as First Lady, I have been designated as the Chief Girl Scout… It is a title that I will truly be proud of… not only because of its meaningful history but more so because it will allow me to help our young women cultivate the same values that I learned when I was a Girl Scout in high school,” sabi ng Unang Ginang.

Kinilala rin ni Mrs. Marcos ang Girl Scouts of the Philippines (GSP) na patuloy umanong humuhubog sa mga batang babae para magampanan ang kanilang responsibilidad sa kanilang bahay, sa bansa, at sa mundo.

“As part of the Girl Scout movement, I’m committed to help shape our young women’s mental, emotional and social qualities. I will strive to help our environment and do our part towards nation-building. Together, we will achieve these goals,” sabi pa nito.

Sinabi ng Unang Ginang na isa sa kanyang mga natutunan sa girl scout ay ang pagtatanim ng puno para sa komunidad.