Padilla

P55M pondo sa farm-to-market road hiniling kay Sen. Padilla

Steve A. Gosuico Sep 24, 2026
114 Views

SAN ANTONIO, Nueva Ecija–Isang resolusyon ang ipinasa ng Sangguniang Bayan dito na humihiling kay Sen. Robinhood Padilla na paglaanan ng P55 milyon na pondo ang farm-to-market road project sa isang barangay sa bayang ito.

Hiniling ng Sanggunian kay Padilla na maisama ang pagpopondo ng proyekto sa kanyang “legislative and infrastructure programs.”

Ang nasabing resolusyon-kahilingan ay kinatigan ni Daniel Pamintuan na pinangalawahan ni Emiliano Zapata.

“Nananatili ang nasabing kalsada na hindi sementado at mahirap daanan lalo na kapag tag-ulan, kaya naman malaki ang nagiging epekto nito sa pagdadala ng mga produktong agrikultural, mga kagamitan sa pagsasaka, at iba pang mahahalagang produkto at serbisyo ng bayan,” sabi ni SB presiding officer at Vice Mayor Arvin Salonga

Tinawag ng SB ang proposed concreting ng nasabing kalsada na isang priority infrastructure project.