Pic

Puno bumagsak sa kasagsagan ng ulan; 2 tinamaan, sugatan

137 Views

Pic1Pic2Pic3PunoDALAWANG katao ang sugatan matapos tamaan ng bumagsak na puno ng balete sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan sa kanto ng EDSA at NIA Road sa Barangay Pinyahan, Quezon City, nitong Miyerkules ng hapon.

Isang lalaki at isang babae ang tinamaan ng puno pasado alas-4 ng hapon habang malakas ang pag-ulan sa lungsod at iba pang bahagi ng Metro Manila.

Agad na isinugod ng mga responder sa ospital ang dalawang biktima para malapatan ng lunas.