Momo

Magna Carta para sa mga construction workers isinulong ni Cong. Romeo Momo

Mar Rodriguez Nov 7, 2022
295 Views

Momo isinulong Magna Carta para sa mga obrero

UPANG mabigyan ng proteksiyon ang mga manggagawa sa konstraksiyon o mas kilala sa tawag na “construction workers”. Isinulong ngayon ng isang neophyte Mindanao congressman ang isang panukalang batas na mangangalaga at magtatanggol sa kanilang mga karapatan. 

Inihain ni Surigao del Sur 1st Dist. Cong. Romeo S. Momo ang House Bill No. 2554 na naglalayong ma-protektahan at mapangalagaan ang karapatan ng mga nagta-trabaho sa konstraksiyon sa pamamagitan ng pagkakaroon ng maayos na pamumuhay. 

Ikinatuwiran ni Momo na nakasaad sa Philippine Constitution sa ilalim ng Section 3, Article XIII na obligasyon o tungkulin ng pamahalaan na pagkalooban ng kaukulang proteksiyon ang mga manggagawang Pilipino sa local man o sa ibayong dagat. 

Dahil dito, sinabi pa ni Momo na tungkulin din ng Kamara de Representantes na magbalangkas ng mga panukalang batas na mangangalaga at magsusulong sa interés ng mga nasa labor sector partikular na aniya ang mga napapabayaang o neglected na construction workers.

Ayon sa kongresista, layunin ng kaniyang panukalang batas na magkaroon ng “magna-carta” para sa mga construction workers upang ma-protektahan ang kanilang mga karapatan, magkaroon ng maayos na paumuhay o “sufficient living”, maayos na sahod at pagkakaroon ng security of tenure.

“This bill seeks to provide for a magna carta for all construction workers in order to protect their rights to a just and sufficient living wage to self-organization and collective bargaining, security of tenure and just humane condition of work,” paliwanag ni Momo.

Sinabi din ni Momo na matagal na panahon ng hindi napangangalagaan ang mga manggagawa sa konstraksiyon. Kung saan, ang ilan aniya sa kanila ay kinamatayan na lamang ang kalunos-lunos na kalagayan dahil sa kawalan ng sapat na proteksiyon para sa kanila.