Mackerel

P1M mackerel nasamsam, 2 suspek inaresto ng mga parak

Edd Reyes Oct 1, 2026
43 Views

Mackerel1LIMA katao, kabilang ang isang Chinese national, ang inaresto sa raid sa cold storage facility na imbakan ng mga imported na mackerel na nagkakahalaga ng mahigit P1 milyon noong Miyerkules sa Caloocan City.

Armado ng search warrant galing kay Caloocan Regional Trial Court (RTC) National Capital Judicial Region acting Presiding Judge Rosalia I, Hipolito-Bunagan ng Branch 232, sinalakay ng mga miyembro ng Northern Police District (NPD), Criminal Investigation and Detective Group (CIDG), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR-NCR), Department of Agriculture Inspectorate and Enforcement (DAIE) at Caloocan police ang Ocean Fish Cold Storage Realty Corp. sa C-4 Road, Dagat-dagatan Brgy. 8 dakong alas-6:00 ng gabi.

Naaresto sa raid si alyas Hui, Chinese national, at mga Pinoy maintenance crew na sina alyas Eubert, Justine, John Lloyd at ang driver na si Antonio.

Nakaeskerda ang subject ng search warrant na si alyas Cai, isa pang Chinese national.

Nakumpiska sa cold storage ang 755 na kahon ng Frozen Pacific Mackerel mula sa China na nagkakahalaga ng P1.057 milyon at wing van na ginagamit sa pagbiyahe ng frozen mackerel.

Inangkat ang mga mackerel ng walang wastong pahintulot o maling paggamit ng mga aprubadong inaangkat na kalakal na paglabag sa food safety at traceability regulations na may katapat na parusa na nakasaad sa Philippine Fisheries Law.

Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 8550 (The Philippine Fisheries Code of 1998) ang mga nasakote.