School

Paaralan sa Laguna nakatanggap ng banta ng school shooting

Gil Aman Oct 2, 2026
25 Views

“LET’S not do hybrid but face to face killing.”

Ito umano ang bahagi ng banta na ipinadala sa isang kolehiyo sa Laguna.

Ang kabuuan umanong mensahe ay, “Hi, XXX students and psychology students. I know you’re probably wondering why I’m saying all of this.

After everything that happened before, maybe you thought it was finished. Maybe you thought I would just

forget everything and move on.

BE PREPARED FOR MASS SHOOTING TOMORROW MORNING XXX STUDENTS FIRST 4TH YEAR WHO ARE HAVING THESIS AND 3RD YEARS WHO ARE HAVING 3D MODELING WITH XXXXXX XXXX, GO TO SCHOOL GUYS SO I WOULD BE FUXXXXX HAPPY.

HAHAHAHA LETS NOT DO HYBRID BUT FACE TO FACE KILLING.”

Ang nasabing banta ay ipinadala umano dakong 8:50 ng umaga noong Oktubre 1 at naipalam bandang 9 a.m. sa Cabuyao City Police Station.

Ayon kay PLTCol. Jezreel Calderon Assistant Chief, ROD ng PRO 4A, agad rumesponde ang pulisya upang imbestigahan ang nasabing banta.

Samantala naglabas ng opisyal na abiso ang nasabing paaralan para sa kaligtasan at seguridad ng campus.

Noong umaga ng Oktubre 1, 2026 (Huwebes), isang usapin tungkol sa seguridad ang iniulat at kumalat sa mga miyembro ng komunidad ng xxxxx xxx, ayon sa abiso.

“Bilang pag-iingat, nakipag-ugnayan ang xxxxx xxx sa Philippine National Police (PNP) at iba pang kinauukulang awtoridad upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga mag-aaral, guro, kawani, at mga bisita sa loob ng campus.

Nakumpleto na ng PNP at ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) ang kanilang inspeksyon sa seguridad at nakumpirma na walang agarang banta sa seguridad sa campus na may kaugnayan sa iniulat na usapin.

Upang matiyak ang kaligtasan sa campus, pinataas namin ang antas ng seguridad sa lahat ng lugar at pasukan at patuloy naming sinusubaybayan ang mga kaganapan.

Hinihikayat namin ang mga mag-aaral, guro, at kawani na manatiling alerto, sumunod sa mga opisyal na tagubilin, at iwasang magpakalat ng mga tsismis o hindi kumpirmadong ulat. Anumang opisyal na update ay direktang ipaaalam sa pamamagitan ng mga beripikadong channel,”ayon pa sa abiso.

Nagpatuloy ang operasyon ng campus at ang regular na mga klase nitong Biyernes.