TGP

Mambabatas pinalakas ugnayan sa Magdalena, Laguna

Mar Rodriguez Oct 2, 2026
19 Views

TINANGGAP ni House Deputy Majority Leader at TGP Partylist Rep. Bong Joson Teves sina Magdalena, Laguna Vice Mayor Ron Zaguirre at mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Lorenz Ortega, Larry Ibañez at Obet Roguin sa Kamara de Representantes.

Ayon kay Teves, naging pagkakataon ang courtesy visit upang talakayin ang mga pangangailangan ng komunidad at ang mga posibleng programa at tulong mula sa pamahalaan para sa mga Magdaleno.

Kabilang sa mga isyung tinalakay ang tulong para sa bayarin sa ospital, pagpapalibing, pambili ng gamoT at gastusin sa laboratoryo na malaking pasanin para sa mga pamilyang dumaranas ng matinding pangangailangan.

Ayon sa mambabatas, nakikipag-ugnayan sa mga lokal na lider at kaukulang tanggapan ng pamahalaan upang makakonekta ang mga komunidad sa mga available na programa at serbisyong maaaring makatulong sa kanila.

Partikular na binibigyang-pansin ang mga pamilyang dumaraan sa mahihirap na sitwasyon at nangangailangan ng agarang suporta.

Bahagi umano ito ng patuloy na pagsisikap ng TGP Partylist na mailapit sa mga mamamayan ang mga programa at serbisyong kanilang maaaring mapakinabangan.