Calendar
Provincial
Balayan police may bagong OIC
Jojo Cesar Magsombol
Oct 2, 2026
109
Views


KAMPO HENERAL MALVAR–Naupo na bilang bagong Officer-in-Charge (OIC) ng Balayan police si PLt. Col. Wilfredo Jimenez Jr. kapalit ni PLt. Col. Constancio Malaluan Jr.
Pinangunahan ni Batangas Provincial Director PCol. Oliver Ebora ang turn-over ceremony sa Bulwagang Barako noong Lunes.
Nagpasalamat si Malaluan sa kanyang mga tauhan dahil sa suporta sa kanya.
Hinamon ni Jimenez ang kanyang hanay na itaas pa ang integridad, propesyonalismo, at pagtutulungan katuwang ang mga stakeholder at komunidad para masigurong ligtas ang mga mamamayan ng Balayan.
Tiniyak ng BPPO na tuloy-tuloy ang epektibong liderato sa lalawigan.
Suspek sa KFR, illegal detention nasukol sa Isabela
Oct 23, 2026
ROBOT TUTULONG SA EDUKASYON
Oct 22, 2026

