LP

LP may mga bagong heavy equipment

Edd Reyes Oct 2, 2026
26 Views

LP1NAGDAGDAG ng mga bagong heavy equipment ang Las Piñas na magagamit sa pagpapanatili ng kaayusan, kalinisan at iba pang pangangailangan ng lungsod.

Dumalo sina Mayor April Aguilar at Vice Mayor Mel Aguilar sa pagbabasbas ng mga bagong kagamitan na magagamit ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) at Office of the City Engineer na magagamit upang maibsan ang matinding epekto ng inaasahang super El Niño.

Nadagdagan ang kagamitan ng CENRO ng dump truck na may 9-cubic-meter hauling capacity at water truck na may 4,000-liters na kapasidad na gagamitin sa paghahatid ng tubig sa mga komunidad sa kapag nawalan ng supply ng tubig.

Nagdagdag naman ang City Engineering Office ng wheel crawler excavator at walk-behind vibratory road roller na magagamit sa paghuhukay, road works, compaction at iba pang infrastructure maintenance.

Ang mga bagong kagamitan ay makatutulong upang mas mapabilis ang pagtugon sa pangangailangan ng mga komunidad at mapalakas ang araw-araw na serbisyo ng lungsod.