PDEA

PDEA: 11 brgy drug cleared na

28 Views

OIC2

KAMPO VICENTE LIM, Calamba City, Laguna–Idineklarang “drug-cleared” na ang anim na barangay sa Laguna at 11 pa ang nagpanatili ng kanilang estado sa pinakahuling deliberasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office 4A.

Ito ay matapos isagawa ang ika-siyam na deliberasyon para sa Barangay Drug Clearing Program (BDCP) na pinangunahan ng Acting Chairperson at PDEA Assistant Regional Director Atty. Czareanah DG Aquino-Isidro kamakailan.

Bukod sa mga drug-cleared, 60 barangay pa ang binigyan ng Certificate of No Active Drug Personalities dahil walang namataan o naitalang aktibong personalidad ng iligal na droga sa kanilang lugar.

Pinadalhan ng babala ang 25 barangay na binigyan ng Certificate of Newly Identified Drug Personalities.

Binigyan sila ng 60-araw na palugit upang solusyunan ang mga natuklasang problema at agad isagawa ang mga kailangang hakbang kontra-droga.