Calendar
Tulong dinala ng Klinika ni Gob s Binan
TULOY sa paglibot ang Klinika ni Gob sa Laguna at naghatid ng mga serbisyong medikal, pangkalusugan, libreng konsultasyon sa mga abogado at pagpasa ng mga kaukulang dokumento para sa ibang programa sa Biñan City, Laguna.
Ginanap ang pamimigay ng tulong sa Sa Lake Shore Colleges sa Brgy. Canlalay at nagtungo si Gov. Sol Aragones upang pasinayaan ang programa.
Nagpasalamat ang gobernadora sa pagtangkilik sa programa at sinabing: “Marami pa tayong kailangang gawin at trabaho — serbisyo publiko ang kailangang unahin.”
Matapos ang maikling programa ay sinimulan na ang pamamahagi ng tulong. Dala-dala ng ‘Klinika ni Gob’ ang laboratory tests, ECG, x-ray, ultrasound, dental services, visual acetic acid inspection at konsultasyon sa mga eksperto at doctor.
Ibinahagi ni Gob. Aragones ang pagkakaroon pa ng mga makabagong kagamitan sa mga pandistritong ospital sa lalawigan.
Namahagi rin ng mga libreng gamot ang ‘Akay ni Gob Mobile Botika’ na kasa-kasama rin ng programa sa pagtungo nito sa lungsod ng Biñan.
Magpapatuloy pa ang paglibot ng ‘Klinika ni Gob’ Mobile Clinic sa iba’t-ibang bayan at lungsod sa lalawigan.

