Laguna

Mga guro sinamahan ng Laguna gob sa National Teachers’ Month celebration

Gil Aman Oct 2, 2026
11 Views

Laguna1

STA. Rosa City, Laguna–Sinamahan ni Gob. Sol Aragones sa Enchanted Kingdom noong Biyernes ang libu-libong mga guro sa pagdiriwang ng “National Teachers’ Month.”

Sinalubong ng mga guro mula sa iba’t-ibang bayan at lungsod ng lalawigan ang gobernadora.

Ibinahagi ni Gob. Aragones ang suporta ng pamahalaang panlalawigan sa mga guro.

“Malapit sa puso ko ang mga guro at ang edukasyon dahil naniniwala ako na ang dekalidad na edukasyon ay isang sagot sa kinabukasan ng lalawigan,” sabi ni Aragones.

Ibinahagi ng gobernadora ang pakikipagtulungan ng Laguna sa Department of Education at kay Secretary Sonny Angara para sa mga pagtatayo ng mga bagong school buildings at pasilidad para sa mga mag-aaral at mga guro.

“Masaya po kami sa mga programa ng Pamahalaang Panlalawigan at ni Gob. Aragones–hindi lamang po sa health pati na rin po sa aming sektor–sa edukasyon, mga mag-aaral at sa aming mga guro,” sabi ng isang guro.