Droga

Shabu, droga nakuha sa anti-illegal gambling operations sa Pasay, Munti

Edd Reyes Oct 4, 2026
41 Views

Droga1NAKASAMSAM ng baril at shabu ang mga pulis noong Sabado sa Muntinlupa at Pasay dahil sa anti-illegal gambling operations na inilunsad.

Dakong alas-10:20 ng gabi nang madakip ng mga tauhan ng Putatan Police Sub-Station 2 ng Muntinlupa Police sina alyas Rodolfo, 44, at nakuhanan ng tatlong gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P20,400 at Edward, 28, na may dalang cal .22 revolver na may dalawang bala habang nagka-cara y cruz sa PNR Site, Santos compound, Brgy Putatan.

Nauna rito, nadakip ng mga tauhan ni Southern Police District (SPD) director P/BGen. Rodel Pastor ang limang lalaki dakong alas-2:30 ng madaling araw habang nagsusugal din ng cara y cruz sa Brgy. 165, Malibay, Pasay City.

Nasamsam kay alyas Ric, 37, ang hindi lisensyadong cal .38 revolver na kargado ng dalawang bala, habang 0.16 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,088 ang nakuha kay alyas Victor, 48.

Dinakip din sina alyas Adrin, 32; Rey, 54; at Carl, 26, na mahaharap sa reklamong paglabag sa PD 1602 (Illegal Gambling).

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act ang isasampa kina alyas Victor at Rodolfo at paglabag naman sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) kina Ric at Edward.