Calendar
Metro
P714K na shabu nasamsam sa tulak, 4 na tauhan sa Las Pinas
Edd Reyes
Oct 4, 2026
38
Views
NABUWAG ng pulisya ang hinihinalang drug den nang madakip ang 55-anyos na high-value drug pusher at apat niyang tauhan sa buy-bust noong Sabado sa Las Piñas City.
Pinosasan ng mga tauhan ni Southern Police District (SPD) director P/BGen. Rodel Pastor si alyas Maymay nang tanggapin ang markadong salapi sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng ibinentang shabu sa ginagawang drug den sa Manuyo Uno alas-7:17 ng gabi.
Nakumpiska kay alyas Maymay at sa apat pang pinaniniwalaang tulak ang 105 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P714,000, markadong salapi at mobile phone na gamit sa ilegal na pakikipag-transaksyon.
Ayon kay BGen. Pastor, prayoridad nila ang pagbuwag sa mga drug den sa distrito nila.

