Abalos

Abalos nagbabala laban sa mga tauhan ng BFP na nagbebenta ng fire extinguisher

192 Views

NAGBABALA si Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos laban sa mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) na nagbebenta ng fire extinguisher sa mga kumukuha ng fire safety permit.

Hinimok din ni Abalos ang publko na isumbong sa kanya ang mga tauhan ng BFP na gumagawa nito.

“Kapag may manghihingi sa inyo, magbebenta ng fire extinguisher, sabihin niyo sa akin,” sabi ni Abalos. “Talagang tatanggalin ko ang mga ‘yan. Hindi pupuwedeng in exchange for a permit.”

Isang memorandum umano ang ilalabas ng tanggapan ni Abalos kaugnay nito.