Abalos Si ex-MMDA chairman Benhur Abalos kasama si Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) at House Majority Leader Martin Romualdez. Kuha ni VER NOVENO

Abalos nagbitiw sa MMDA para palakasin BBM-Sara UniTeam

281 Views

NAGBITIW si Benhur Abalos bilang chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang tumulong sa kampanya nina presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at running mate nitong si Davao City Mayor Sara Duterte.

“The campaign period is fast approaching, and I am duty-bound to devote my time and energy to Sen. Bongbong Marcos’ campaign as his national campaign manager,” sabi ni Abalos sa kanyanhg sulat na ipinadala kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Si Abalos ay magsisilbing national campaign manager ng BBM-Sara UniTeam.

Dahil sa kanyang mahabang karanasan sa politika, sinabi ng kampo ni Marcos na malaking tulong si Abalos upang maipanalo ang mga kandidato ng UniTeam.

“His sensible and wise leadership experience would play a big factor in leading the UniTeam to its desired victory, which consequently would be a win for the Filipino people,” sabi ng UniTeam sa isang pahayag.

Sumali umano si Abalos sa BBM-Sara UniTeam dahil naniniwala ito na ang kanilang pamumuno ang kailangan upang muling makabangon ang bansa mula sa hagupit ng pandemya.

“I have known Bongbong for a long time, and I know that he has the experience and the capability to make things better for our country. Among the presidential aspirants, I find his unifying message as sincere and necessary in leading the country towards the road to progress and sustainable development,” sabi ni Abalos.

Si Abalos ay nagsilbing campaign manager ni Marcos sa National Capital Region (NCR) noong 2016 vice presidential race.

“Mabait, magaling at mapagpakumbaba. Iyan ang Bongbong Marcos na nakilala ko noon pa man at ang mga katangiang ito ay siyang kailangan natin para tuluyang mapagkaisa ang bansa,” dagdag pa ni Abalos.