Valera

Abra isinailalim sa state of calamity

250 Views

ISINAILALIM sa state of calamity ang Abra, ang epicenter ng magnitude 7 na lindol.

Nagpasa ang provincial council ng isang resolusyon na nagsasailalim sa Abra sa state of calamity dulot ng pinaslang tinamo nito sa lindol.

Inaprubahan ni Abra Governor Dominic Valera ang resolusyon.

Sa ilalim ng state of calamity ay maaaring magpatupad ng price control sa mga pangunahing bilihin ang lokal na pamahalaan.

Samantala, pinalawig rin ang suspensyon ng pasok sa mga ahensya ng gobyerno at klase sa eskuwelahan hanggang sa Hulyo 29.