Calendar
Tingog Party-list Rep. Jude A. Acidre
Acidre sinuportahan PBBM na walang ebidensiya vs Romualdez
ANG matibay na direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ituon ang imbestigasyon sa flood control sa aktwal na maling gawain ― at hindi sa mga personalidad na paulit-ulit nang na-clear ng mga ebidensiya ― “finally sets the record straight” at pinoprotektahan ang integridad ng kasalukuyang imbestigasyon, ayon kay Tingog Party-list Rep. Jude A. Acidre nitong Biyernes.
Winelkam ni Acidre ang paglilinaw ng Pangulo na walang ebidensiya na nag-uugnay kay dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa anumang iregularidad, at sinabing dapat wakasan na ang mga tangkang idawit ang kanyang pangalan sa mga isyung “where the facts simply do not support the accusation.”
“Accountability is not served when it is weaponized by selfish partisan interests and biases without factual proof or evidence. Mahirap nasanay sila sa speculations at fake news,” pahagayag ni Acidre.
“The President has made it very clear: there is no evidence against former Speaker Romualdez,” dagdag ni Acidre. “That should end all the manufactured blame and allow investigators to focus on the real anomalies that need answers.”
Binigyang-diin niya na ang direktiba ay nagbabalik ng imbestigasyon sa tamang pokus ― mga kuwestiyonableng listahan, kaduda-dudang lokasyon ng proyekto, at ang mga indibidwal na totoong humawak, nag-apruba at nagpatupad nito.
“Ang malinaw: ang imbestigasyon ay para sa totoong may kinalaman,” giit ni Acidre. “Hindi sa mga pinipilit isama kahit walang resibo, walang dokumento, walang testigo, walang link at puro ispekulasyon.”
Sinabi ni Acidre na ang pahayag ng Pangulo “draws a sharp line” sa pagitan ng lehitimong katanungan at mga kuwentong idinisenyo upang linlangin ang publiko sa pamamagitan ng haka-haka.
Binigyang-diin niya na dahil walang rekord, walang sumusuportang dokumento at walang beripikadong testimonya na nag-uugnay kay Romualdez sa kontrobersiya, ang mga patuloy na bumabanggit sa kanyang pangalan ay dapat ipaliwanag ang kanilang pagpupumilit.
“Kung malinaw na walang ebidensiya, bakit ipipilit?” sinabi ni Acidre. “This is a reality check for those spreading claims that collapse the moment you look for proof.”
Sa paglilinaw sa isyu, sinabi ni Acidre na mas malakas na ngayon ang posisyon ng mga imbestigador upang magsagawa ng objective at walang kinikilingang pagsusuri sa flood control entries nang walang political distractions.
Binigyang-diin niya na ang pag-alis ng walang basehang paratang laban kay Romualdez ay titiyak na ang imbestigasyon ay hindi maililihis patungo sa mga personalidad na walang kaugnayan sa pangunahing isyu.
“Investigate the anomaly, not someone who has no link to it,” diin ni Acidre. “That is exactly what the President reminded everyone.”
Idinagdag pa ni Acidre na ang paglilinaw ng Pangulo ay nagpoprotekta sa publiko laban sa mga kuwentong idinisenyo upang lituhin o ilihis ang atensyon mula sa totoong landas ng pananagutan.
Sa pamamagitan ng pag-angkla sa katotohanan, sinabi niya na mas tumitibay ang tiwala sa imbestigasyon at maaasahan ng publiko ang isang pagsusuri na nakabatay sa mga dokumento, field validations, at aktwal na resulta ng proyekto.
“Kapag inalis ang ingay, mas madaling makita ang katotohanan,” ani Acidre. “The President’s statement resets the process and reinforces that this investigation must remain fact-based.”

