Calendar

ACT Teachers suportado panawagan na suriin gawain ng Tsina sa Cagayan

IPINAHAYAG nina House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro at ACT Teachers Party-list nominee Antonio Tinio ang kanilang buong suporta sa panawagan ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) para sa isang malaya at komprehensibong imbestigasyon ng Kongreso, hinggil sa mapanirang Chinese-led dredging operations sa Cagayan na nagsimula sa ilalim ng administrasyong Duterte.
“We fully support the demand of Pamalakaya for an immediate investigation into the environmental destruction and economic displacement caused by Chinese dredging operations in Cagayan,” ani Castro.
“This is not a closed case simply because the operations have ended. The fisherfolk continue to suffer the consequences, and justice demands that those responsible — foreign companies and complicit government officials — be held accountable,” dagdag ni Castro.
“Dapat alamin kung gaano kalawak ang pinsala sa kalikasan at kabuhayan ng mamamalakaya, at dapat managot ang mga kumpanyang Tsino na sangkot,” pagdidiin ni Castro, matapos ideklara ng gobyerno na natigil na ang dredging operations na nagsimula pa noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo R. Duterte, simula noong 2023.
Matagal nang kinukuwestyon ng Pamalakaya ang kakulangan ng transparency sa mga operasyong ito, na anila’y itinago sa ilalim ng proyektong “desiltation” ngunit sa katotohanan ay nagbigay-daan sa malawakang pagmimina ng buhangin at mineral — na sumira sa marine ecosystems at nagpababa ng huli ng mga lokal na mangingisda.
Sumang-ayon si Antonio Tinio, dating kinatawan ng ACT Teachers, sa panawagan ni Castro at binigyang-diin na ang isyung ito ay malinaw na halimbawa ng mas malawak na problema ng dayuhang pandarambong at pagkasira ng kalikasan sa ilalim ng mga neoliberal na polisiya sa ekonomiya.
“This is a clear example of how foreign corporations are allowed to exploit our natural resources at the expense of Filipino livelihoods and sovereignty,” ani Tinio.
“There must be full disclosure of all agreements made between the national government and these Chinese firms. We call on Congress to summon former and current officials who facilitated these projects,” dagdag pa niya.
“Ang tunay na hustisya ay hindi lang pagtigil ng operasyong mapanira, kundi