Aga mulach

Aga nagbabalik kasama sina Diana at Yukii

Eugene Asis Oct 16, 2022
279 Views

 

NAGBABALIK bilang game master si Aga Muhlach sa Season 3 ng Tara Game, Agad Agad (TGAA) na mapapanood sa Net25 tuwing Linggo. Ayon kay Aga, mas pinalaki ito kaya mas exciting, lalo pa’t makakasama niya ang dalawang naggagandahang dilag na sina Daiana Meneses (Brazilian host and actress) at Yukii Takahasi (Fil-Jap na social influencer) na ityatampok sa Level Up Games.

Ani Aga, “I’m really excited for season 3. Alam n’yo naman kung gaano ko kamahal yung Tara Game, Agad Agad. “

Apat na contestants ang maglalaban hanggang isa na lamang ang makarating sa final round. Sasagot sila sa mga tanong at puwede pa nilang ipasa ang tanong sa kalaban.

Dagdag pa ni Aga, ‘We’re also excited, kasi mas malaki yung pa-premyo namin. So yung P20, 000 mo, kapag umabot ka ng jackpot round, pwedeng umabot ng P180,000,. May pagbabago din sa jackpot round, kaya abangan n’yo dahil excited talaga ako sa season 3 and 4.”

Makikita si Daiana na nasa labas ng studio para maghanap ng contestants “Nasa remote area ako, may mga ini-interview ako, kailangan magtugma yung sagot ng mga nasa studio sa mga ini-interview ko”.

Super excited naman si Yukii dahil sa pagkakasama sa show. “I feel so honored na pinagkatiwalaan ako ng Net25 to co-host with the one and only Aga Muhlach! It’s a dream come true for me.”