Deputy Majority Leader Paolo Ortega V ng La Union Deputy Majority Leader Paolo Ortega V ng La Union

Agam-agam sa pagka-aresto ni Duterte ibinasura

25 Views

IBINASURA ng mga miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mga agam-agam na maaaring magresulta sa kaguluhan ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte kaugnay ng kinakaharap nitong crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC) at iginiit na ang Pilipinas ay matatag sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.

Ayon kay Deputy Majority Leader Paolo Ortega V ng La Union ang mga pagtatangka ng mga kaalyado ni Duterte, partikular si dating presidential spokesperson Harry Roque, na magtawag ng pag-aaklas ay matagal ng ginagawa para pahinain ang administrasyong Marcos.

“He’d been trying to do this to the Marcos administration, sa government for almost two years na, ‘di ba. Naalala natin ‘yung press ah ‘yung video na ito ang kasamaan laban sa kadiliman. Pero from the last few weeks nakita po natin na gumaganda po ‘yung ekonomiya natin,” ani Ortega.

Sabi pa niya pipilitin gumawa ng ingay ng kampo ni Duterte sa pamamagitan ng protesta pero hindi aniya ito mauuwi sa kaguluhan.

“So, for me, tingin ko they will try to make noise, they will try to have their rallies, pero tingin ko hindi naman siya mag-cause ng direct na instability,” dagdag ni Ortega.

Sumangayon si House Assistant Majority Leader Jude Acidre at sinabi na bagamat mga mga gumagawa ng ingay ay wala naman silang malawak na suporta mula sa taumbayan.

“The noisy one will always be noisy eh. That’s one thing for sure. Pero kung kakagatin ng tao, ako alam mo, I doubt,” sabi ni Acidre.

Tinukoy pa niya ang matatag na polisiyang pang ekonomiya ng administrasyon Marcos, propesyunalismo ng alagad ng batas at ang pagbibigay halaga sa hustisya kaya nananatiling matatag ang ekonimiya.

“We’ve seen kung paano ang ekonomiya natin. Katulad ng sinabi ni Cong. Paolo, maganda ang fundamentals natin. Pangalawa, naipakita natin hindi lang sa ating bansa, kung hindi sa buong mundo na the rule of law is applied equally to everyone in this country,” sabi niya

Idinagdag ni Acidre na ang pag-aresto kay Duterte ay hindi isang panghuhusga sa buong sistema ng hustisya sa bansa kundi isang patunay na maaaring gumana ang mga internasyonal na mekanismo kapag nabigo ang lokal.

“Obviously during the time that it was happening and during the time that the cases were filed pwede nating masabi na ganun nga. Kasi before naman ‘yan umabot sa ICC, nag-file din ‘yan sa piskalya, nag-file sa prosecutors, nagreklamo sa police. At wala naman tayong nakitang intentful attempt to prosecute or investigate. Kaya siguro umabot na sila sa The Hague,” ani Acidre.

Ngunit hindi aniya maaaring sabihin na ang pagaresto ng ICC kay Duterte ay pagsuko ng ating soberanya.

“The fact that we are part and we are able to join an international proceeding such as the ICC is already an act of sovereignty. Di naman siguro tayo i-entertain dun if it’s not for our sovereignty,” aniya

Binigyang-diin ni Acidre na ang pakikipagtulungan ng gobyerno ng Pilipinas sa pagbabalik kay Duterte sa ICC ay naaayon sa umiiral na lokal at internasyonal na batas.

“Our ability to implement the jurisprudence in Pangilinan vs Cayetano is an act of sovereignty. The fact that we were able to turn over to the Interpol the former president is an act of sovereignty,” sabi niya

“I don’t think we’re surrendering anything. We are reinforcing our ability to carry out our sovereignty,” dagdag ni Acidre.