Calendar
Agarang tulong sa mga Egay victims hiniling
NANAWAGAN ang Chairman ng House Committee on Poverty Alleviation na si 1-PACMAN Party List Congressman Michael “Mikee”L. Romero, Ph.D., sa national government upang matulungan sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga pagkain, damit at iba pangangailangan ang mga kababayan natin mula sa mga apektadong lalawigan na matinding nasalanta at naperwisyo ng bagyong Egay.
Sinusuportahan din ni Congressman Romero ang naging pagkilos ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez matapos pasimulan ng Office of the Speaker ang pamamahagi nito ng P117 milyong halaga ng tulong para sa mga nasalanta ng bagyong Egay partikular na sa Northern Luzon.
Dahil dito, naniniwala si Romero na sa pamamagitan ng mga dumarating na tulong para sa mga naging biktima ng bagyong Egay. Malaki din aniya ang maitutulonng nito para muling makabangon ang mga nasalanta ng nasabing bagyo upang maibangon ng mga ito ang naapektuhan nilang kabuhayan at mga panananim.
Nananawagan din si Romero sa mga ahensiya ng pamahalaan partikular na sa Department of Public Works and Highways (DPWH) kabilang na ang mga Local Government Units (LGUs) upang agad na maisa-ayos ang mga daan at iba pang imprastraktura na nasalanta din ng bagyong Egay.