LTFRB

Age limit ng PUV dinagdagan ng 2 taon

232 Views

DINAGDAGAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng dalawang taon ang age limit ng mga public utility vehicles (PUVs).

Kasabay nito ay pinalawig din ng LTFRB ang deadline para sa pagbabayad ng supervision fee ng mga PUV hanggang sa Disyembre 31 mula sa naunang itinakdang deadline na Setyembre 30.

Pinagbigyan din ng LTFRB ang hiling ng mga transport group na alisin na muna ang pagbabayad ng multa para sa mga hindi nakapag-renew sa oras ng kanilang prangkisa.

Isang resolusyon din ang inaprubahan ng LTFRB para sa pagpapalawig ng age limit ng mga bus at transport network vehicle services units na ipinapasada. Hindi naman kasali dito ang mga truck for hire.

Ang maximum age limit ng mga bus ay 15 taon, ang UV Express ay 13 taon, ang tourist bus at 10 taon at ang TNVS ay pitong taon.