Just In

Calendar

January 2025
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  

Agency ng kasambahay na magnanakaw papanagutin

176 Views

PASADO na sa ikatlo at huling pagbasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukala na papanagutin ang mga employment agency ng mga katulong na gagawa ng krimen sa kanilang pinapasukan.

Sa botong 246 pabor, walang tutol at abstention, inaprubahan ng Kamara ang House Bill No. 4477 na mag-aamyenda sa mga probisyon ng Republic Act (RA) No. 10361 o ang “Batas Kasambahay” law.

Sa ilalim ng panukala ay aamyendahan ang Section 36 upang ipasok ang pagkakaroon ng pananagutan ng mga private employment agency (PEA) sa gagawing krimen ng kanilang ipapasok na katulong.

Mawawala naman ang pananagutan ng PEA makalipas ang isang taon mula sa araw ng pagsisimula ng katulong sa kanyang pinapasukan.

Inaatasan din ang mga PEA na magsagawa ng masusing background check para matiyak na totoo ang ibinigay na pangalan ng pumapasok na katulong at hanapin kung saan nakatira ang pamilya nito.

Dapat ding siguruhin ng PEA na mayroong isusumiteng sapat na dokumento ang pumapasok na katulong gaya ng clearance mula sa National Bureau of Investigation, pulis at barangay bukod sa birth certificate at iba pang valid ID.

“The bill aims to safeguard the persons of the employers and their family in their abode against those who might use PEAs as vehicles in executing their criminal intention by imposing greater responsibility and accountability from PEAs,” sabi sa panukala.

Ang panukala ay akda nina Speaker Martin G. Romualdez, House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, at Reps. Charisse Anne C. Hernandez, Juan Fidel Felipe F. Nograles, Mary Mitzi L. Cajayon-Uy, Keith Micah “Atty. Mike” D.L. Tan, Allan U. Ty, Christopherson “Coco” M. Yap, Munir N. Arbison, Jr., Arlene D. Brosas, France L. Castro, Christopher V.P. De Venecia, Paolo Z. Duterte, Edcel C. Lagman, Romeo M. Acop, Bonifacio L. Bosita, Carl Nicolas C. Cari, Edwin L. Gardiola, Mark O. Go, Gerville “Jinky Bitrics” R. Luistro, Khymer Adan T. Olaso, Rodolfo “Ompong” M. Ordanes, Florida “Rida” P. Robes, Geraldine B. Roman, Roman T. Romulo, Ma. Alana Samantha T. Santos Jeffrey Soriano, Leody “Odie” F. Tarriela, Jocelyn P. Tulfo, Patrick Michael D. Vargas, at Linabelle Ruth R. Villarica.