Calendar
Agricultural Resilience Project sa PH inaprubahan ng Green Climate Fund
INAPRUBAHAN ng Green Climate Fund ang Agricultural Resilience Project para sa Pilipinas.
Inaprubahan umano ang Adapting Philippine Agriculture to Climate Change (APA) Project sa ika-35 Board Meeting sa Incheon, South Korea noong nakaraang buwan.
Ang proyekto ay may kabuuang halagang $39.2 milyon. Ang GCF ang panggagalingang ng $26.3 milyon at ang gobyerno naman ng Pilipinas ang magpopondo ng nalalabing $12.9 milyon.
Ang Department of Finance (DOF) ang National Designated Authority ng Pilipinas sa GCF.
Sa ilalim ng proyekto, gagawa ng mga inisyatiba ang Department of Agriculture (DA) upang maging climate-resilient ang agricultural system ng bansa at mapataas ang climate resilience sa mga kanayunan.
Ito ang unang GCF-funded project sa bansa naipatutupad ng DA at Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa tulong ng Food and Agriculture Organization of the United Nations (FAO).