Lagman

Ai-Ai delas Alas idineklarang persona non grata sa QC

Mar Rodriguez Jun 8, 2022
339 Views

IDINEKLARANG “persona non grata” ng Quezon City ang actress-comedian na si Ai-Ai delas Alas matapos ang umano’y pambabastos sa “official seal” ng lungsod noong nagdaang May 9, 2022 elections.

Inaprubahan ng Quezon City Council ang resolution na inihain ni District IV Councilor Ivy Lagman upang idekalarang “persona non grata” si Delas Alas kabilang ang cinematographer na si Darryl Yap kaugnay sa ginawa nilang video na pinost nila sa social media.

Sa dalawang minuto at 21 segundong video ni Yap, gumanap si Delas Alas bilang si “Ligaya Delmonte” na pumapatungkol kay QC Mayor Josefina “Joy” Belmonte. Makikita umano sa background nito na binago ang orihinal na itsura ng official seal ng lungsod upang maging katawa-tawa.

Binigyang diin ni Lagman na hindi makakapayag ang mamamayan ng QC na basta na lamang lalapastangin ng sinoman ang official seal ng Lungsod mula ng ito’y aprubahan ng Office of the President at pinagtibay naman ng City Council noong February 3, 1997 sa pamamagitan ng Resolution No. 10320, S-1975.

“The malicious and unscrupulous defacing of the official seal of Quezon City ridiculed and casted dishonor to it. Causing insult to the noble representation of the seal,” sabi ni Lagman.