Crisologo

Crisologo tuloy ang serbisyo sa mga ka-distrito

Mar Rodriguez Jun 8, 2022
149 Views

SINUSULIT ng isang outgoing congressman ang nalalabing araw sa kaniyang termino bilang kinatawan ng kaniyang mga ka-Distrito sa pamamagitan ng patuloy na pag-aasikaso sa mga proyektong isinulong nito.

Bagama’t nagtapos na kamakailan ang session ng 18th Congress at nalalapit naman ang pagpasok ng 19th Congress masigasig pa rin ang pagseserbisyo ni Quezon City Rep. Anthony Peter “Onyx” D. Crisologo sa mga lugar na sakop ng District 1.

Nabatid kay Crisologo na ang ilan sa mga inaasikaso niyang proyekto bago mapaso ang kaniyang termino ay ang “groundbreaking” ng Football Field sa Barangay PhilAm.

Sinabi ni Crisologo na nais nitong matiyak na ang mga proyektong kaniyang sinimulan sa Distrito Uno ay magpapatuloy ang implementasyon hanggang sa ang ma ito ay matapos.

Ayon sa mambabatas, bukod sa mga proyektong kaniyang sinusubaybayan, nagpapatuloy din ang kaniyang pag-iikot sa mga pamilyang namatayan para magbigay ng tulong.

“Kahit alam natin na ilang araw na lamang ang nalalabi sa ating termino hindi pa rin natin hahayaan na matapos na lang ang ating term na wala tayong ginagawa. Ito ang gusto kong makita ng ating mga ka-Distrito na tuloy parin ang ating serbisyo come what may,” sabi ni Crisologo.