Nakaw Source: FB post ni Kimberly Nakamura

Airport police narecover kahon ng alahas na ninakaw sa NAIA

Jun I Legaspi Jul 15, 2025
385 Views

NABAWI ng mga awtoridad ng Manila International Airport ang isang kahon ng alahas na ninakaw sa NAIA Terminal 3.

Sa pamamagitan ng pagbusisi ng CCTV footage at masinsinang imbestigasyon ng Airport police, narekover ang isang pares ng singsing, hikaw at kwintas na diyamante.

Ang reklamo ay isinampa ni Kimberly Nakamura, isang bagong kasal na Pilipina sa isang Japanese national, na nag-ulat ng insidente noong Hunyo 28, 2025.

Si Nakamura ay matiyagang tumutok sa CCTV sa Departure Gate 108 upang matukoy ang kinaroroonan ng kanyang mga alahas.

Sa kanyang Facebook post, isiniwalat niya ang pagkalito at kabiguang i-report ng ilang tauhan ng paliparan sa Lost and Found section.

Pinuri ni Nakamura ang dedikasyon ng mga imbestigador na pinangunahan ni Capt. Jack Funtanilla.

Ayon kay Airport General Manager Eric Ines, bibigyan ng komendasyon ang mga pulis na tumutok sa kaso.