Ginebra Barangay Ginebra at top pick AkoSiDogie.

‘AkoSiDogie’ napili ng Ginebra

Robert Andaya Feb 16, 2023
242 Views
PBA
Ang mga kalahok sa PBA Esports Bakbakan draft.

NAPILI ng Barangay Ginebra si Setsuna “AkoSiDogie” Ignacio bilang No. 1 pick sa kauna-unahang PBA E-sports Bakbakan Draft na ginanap sa Robinsons Manila kamakailan.

Hindi inaasahan ni Ignacio, na mas lalong kilala bilang “AkoSiDogie”, na mapipili ng kanyang paboritong team sa PBA.

Ang Ginebra big man na si Christian Standhardinger an nag-anunsyo na kanilang No.1 draft pick si Ignacio, na isa sa pinakamalaking pangalan sa MLBB scebe.

“Ibang klase kasi di ko ini-expect na kukunin ako ng Ginebra. To be honest, fan na fan ako ng Ginebra at hindi ko talaga sya expected dahil madami din ako na iniisip na teams, like San Miguel, Magnolia pati na Blackwater. Thank you so much sa Ginebra, sa Dark League at sa PBA,” pahayag ni Ignacio.

“Ang masasabi ko lang ay sobrang ganda ng mga draft , walang tapon, at sa mga hindi na-draft, don’t worry meron pang next season. Galingan nyo mag-practice lang and don’t forget to study.”

“Sa tingin ko na didikit samin is yun TNT kasi yun ibang player Z4 so malakas. And i think kung nasan si Coco, si Pein, pati si Yuji malakas yon,”

Napili naman ng TNT si Billy “Z4pnu” Alfonso bilang No. 2 pick, kinuha ng Magnolia Hotshots si Eric “Eruption” Tai bilang No 3, hinirang ng Terrafirma Dyip si Leah Bernardino bilang No. 4 pick, at kinuha ng Blackwater si Edgar “ChooksTV” bilang No.5.

Ang iba pang napili ay sina Renz “Pein” Reyes (NLEX, No.6), Honda Beast (Phoenix, No.7), Yuri Gaming (NorthPort Batang Pier, No.8), Coco Sampang (Meralco, No.9) at Raven “L3bron” Alonzo (Converge, No. 10).

“PBA at Esports — dalawang magka-ibang liga, dalawang magkaibang sports. Pero pareho ang layunin na mapasikat, mapalakas at mapagsama ang dalawang sports naito,” sabi ni PBA Commissioner Willie Marcial sa kanyang opening speech.

“Ito ang layunin ng PBA Esports at ang kasama nating Dark League Studios. Makasaysayan ang gagawin nating ito na magsanib pwersa ang dalawang sports: Basketball at Esport,” dagdag pa ni Marcial.