Calendar
Aksyon Demokratiko itinalaga si VP Chi na VP for women
ITINALAGA bilang vice president for women ng Aksyon Demokratiko si Manila Vice Mayor Chi Atienza noong Miyerkules.
Kinilala ng partido na pinamumunuan ni Mayor Isko Moreno Domagoso ang serbisyo publiko ni Vice Mayor Atienza sa pagpili sa bise alkalde sa naturang posisyon.
Tinanggap ng bise alkalde ang bago niyang papel at nagpasalamat sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng pamunuan ng partido.
“Maraming salamat po Aksyon Demokratiko. I will continuously use my voice to speak for women and their rights,” sabi ni VM Atienza.
Bilang presiding officer ng Sangguniang Panlungsod, hindi nagbabago ang kanyang adbokasiya sa mga panuntunang protektahan at itaas ang antas ng kababaihan, mga bata at solong magulang.
Bilang VP for Women ng partido, mas lumalim pa ang kanyang pangakong mapalakas ang boses ng mga ordinaryong Manileñas upang matiyak na makakamit ang patas na oportunidad na karapat-dapat sa kanila.

