Calendar
Ang mga narekober ng mga ahente ng NBI na assorted USB flash drives na nagkakahalaga ng P31 million. JONJON C. REYES
NBI nakakumpiska ng P31M pekeng flash drives
NASA P31.4 milyon na halaga ng mga pekeng data storage device ang nasamsam ng mga agents ng National Bureau of Investigation (NBI)-National Capital Region (NCR) sa Maynila noong Marso 16.
Ang NBI-NCR ay nagsagawa ng mga search warrant sa Quiapo, Maynila at narekober ang 5,474 units ng assorted SD, microSD, SDHC, at SDXC memory card, USB flash drive at hard drive na may tatak ng pekeng “SANDISK,” “SANDISK Ultra,” at “Extreme PRO” brand na may halagang P23,367,750.
Sa San Miguel, Manila, 1,124 units ng 2TB at 4TB na external portable hard drive na may tatak na “SEAGATE”, na nagkakahalaga ng P8,092,240 ang nasamsam.
Ang mga establisimiyento na natukoy sa pag-iimbak, pagbebenta at pamamahagi ng mga pekeng bagay na ito ay nahaharap sa mga kasong paglabag sa RA 8293 (Intellectual Property Code of the Philippines).
“Nananatiling nakatuon ang NBI sa pagprotekta sa mga karapatan sa intelektwal na ari-arian at pagtiyak na ang publiko ay protektado mula sa mga pekeng produkto,” sabi ni NBI director Atty. Melvin Matibag.

