Natutulog na kelot tigok sa sunog sa QC
Jun 25, 2025
Otoko happy at content matapos iwan ang showbiz
Jun 25, 2025
Obrero arestado sa pagdadala ng granada
Jun 25, 2025
KAMARA HAHARAP NG WALANG KONDISYON
Jun 25, 2025
DOTr sa uploader ng viral video: Nasa likod mo kami
Jun 25, 2025
Calendar

Health & Wellness
Aktibong kaso ng COVID-19 bumaba sa 52k
Peoples Taliba Editor
Feb 27, 2022
337
Views
BUMABA sa 52,961 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong araw ng Linggo.
Ayon sa Department of Health (DOH) nadagdagan ng 1,038 ang bilang ng mga nahawa ngayong araw. Sa kabuuan ay umakyat na sa 3,661,049 ang lahat ng nahawa sa bansa.
Mas marami naman ang gumaling na naitala sa 1,999 kaya umakyat ang kabuuan nito sa 3,551,687.
Umakyat naman sa 56,401 ang bilang ng mga nasawi, nadagdagan ng 51.