Guess

Aktres, aktor di maiwasan ang landian

Jun Nardo Jul 13, 2024
137 Views

LANDIAN lang ang naganap nang magpareha ang isang guwapong aktor na nagkaroon ng bagong buhay sa career nang lumabas siya sa drama.

Isang magaling na aktres na hiwalay sa unang asawa ang ipinareha sa aktor. Instant hit ang tambalan nila sa TV na nasundan pa.

Loyal husband din si aktor. Pero kapag kasama niya ang aktres, hindi maiwasan ang landian.

Pero hanggang landian lang sila hanggang magkanya-kaya na sila ng kapareha.

Nakapareha ng aktor ang mas bata sa kanyang aktres. Hindi man masyadong kagandahan, may angkin naman siyang appeal sa lalaki.

Kaya nga sa mga sweet moment sa movie na pinagsamahan nila ng aktor, bigay na bigay siya, huh! Pero nganga siya sa aktor na hindi pinatulan ang paglalandi sa kanya ng mas bata sa kanyang aktres.

Michelle tinuldukan na ang pageant

TINULDUKAN na ni Michele Gumabao ang pageant matapos manalo sa isang contest.

Eh, nu’ng sumali kasi siya, hindi pa binabago ang age requirement. Pero ngayon ngang binago na, papasukin naman niya ang showbiz na pansamatalang naudlot dahil sa full time na paglalaro sa volleyball.

Una munang papasukin ni Michele ang hosting na ginagawa na niya. Eh, kung sakaling pumasok sa acting, sina Piolo Pascual at Jericho Rosales ang gusto niyang makapareha.

Pagdating naman sa babae, si Marian Rivera ang wish niyang makasama.

Papayag ba siyang masampal?

“Oo! Basta sasampal din ako! Hahaha! Pero para gusto kong maging kontrabida,” sambit ni Michele sa ipinatawag na mediacon ng manager nyang si Joel Roslin, manager din nina Jose Manalo at Wally Bayola.